[Ubuntu-PH] can anybody help us?

Joel Bryan Juliano joelbryan.juliano at gmail.com
Tue Jan 1 19:24:35 UTC 2008


On 12/27/07, Homer <homer.jose at gmail.com> wrote:
> Sang ayon ako. mairap nga para sa insang internet shop and mag switch
> sa Ubuntu.  Kase dun sa shop ng kaibigan ko, nawala ang karamian ng
> customer kase hanap ng mga customer nila ay games.  anyway,   ano yung
> coverage ng gusto mo i train?  tingnan ko kung meron ako materials na
> makukuha.  tapos kung wala naman, pero medyo simple lang ang coverage,
> bka makagawa ako. ( I use to write training modules sa isang call
> center)
>

Sa tingin ko, hindi naman lahat ng mga lilipat sa Ubuntu ay mahihirapang kumita.
Maaaring hindi niya napagisipang mabuti na sa pag lipat niya sa
libreng OS ay mas mababawasan ang gastos, at hindi ba dapat din na
bawasan ang upa sa mga komputer na iyon?

Maraming paraan upang kumita sa isang open sourced na Internet shop..
Andyan ang oportunidad na pwede ka magbigay at magpresyo sa training,
t-shirt printing, tindahan, Ubuntu home installation, komputer repair
at tutorial, upgrade recommendation and services, paggamit ng clamav
sa virus removal, at marami pang iba.

Pwede mo rin na akayin ang mas maraming customers sa pamamagitan ng
pagbibigay ng libreng mga perks, katulad ng printed mugs, printed
shirts, atbp.

Kelangan niyo lang ng kahit unting imahinasyon, determinasyon, at
patuloy na paniniwala na mabuti ang nagawa niyong desisyon.

Cheers!

Joel
-- 
AMA Desktop Linux - http://sourceforge.net/projects/amadesktop




More information about the ubuntu-ph mailing list