[Ubuntu-PH] bagong mungkahing sagisag para sa ubuntu-ph
Arman Awatin
arman at weblogic-ht.net
Tue Jun 27 04:49:30 UTC 2006
Ayus bro! napakacreative.....
> Kamusta?
>
> Dahil sa posibleng paglabag ng nakaraang mungkahing disenyo sa trademark
> policy ng Ubuntu, gumagawa muli ako ng bago.
>
> Mga simbolismo sa mungkahing Sagisag ng Ubuntu Pilipinas.
>
> Ang bahagi ng araw, bilang at kulay ng mga tala, ang mga talang bumubuo ng
> tatsulok ay galing sa bandila ng Pilipinas. (Para sa karagdagang
> impormasyon, minumungkahi ang pagbabalik aral tungkol sa simbolismo ng
> bandilang Pilipinas <http://www.crwflags.com/fotw/flags/ph-hist.html>.)
>
> Ang tatlong sinag ng araw na nag-palit anyo bilang mga agila (ibon, kung "di
> man ito mukhang agila pa), ay pagpapahayag ng mithiing i-angat ang sarili,
> at kasama nito, ang pag-angat din komunidad/bayan.
>
> Bakit agila? Ang pambasang ibon natin ay agila. Tinatawag din nating itong
> haribon. (Kaya may parang korona ang depiksyon ng agila sa sa sagisag)
>
> Ang bukas na disenyo ng araw at ang mga bituin sa loob nito ay paalala sa
> open-source
>
> Ang bilang na tatlo (ng mga agila) ay galing sa tatlong pigura ng tao sa
> sagisag ng Ubuntu. Ang mga kulay ng mga ito ay mga opisyal na kulay na hango
> sa opisyal na sagisag din ng Ubuntu.
>
> Sa sagisag na ito, nais ko sanang mai-larawan ang Ubuntu (ang pilosopiyang
> ito at ang software ding may katulad na pangalan nito) at ang potensyal
> nitong maging paraan upang maabot ang pagiging timawa ng mga Pilipino at ng
> Pilipinas.
>
> ----
>
> Bakit ko ba ginagawa ito? Tinatanong ba ninyo ang tao kung bakit kumakamot
> kung may makati?
>
> Kung aayon ang mga namumuno sa Ubuntu-PH, ang pinal na disenyo ng sagisag na
> ito ay ibabahagi ko sa kanila sa ilallim ng lisensyang Creative Commons
> Attribution-NonCommercial-NoDerivs. (Basahin ang kabuuang teksto nito
> dito<http://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/2.5/>
> )
>
> Mabuhay kayo,
>
> Sumasainyo,
> Erwin
> --
> ubuntu-ph mailing list
> ubuntu-ph at lists.ubuntu.com
> https://lists.ubuntu.com/mailman/listinfo/ubuntu-ph
>
--
NCC-UK No. 245146
Linux User #: 371482
PGP Key ID: 0x8B9C5EA9
"joomla-ph" @ forum.joomla.org
arman [at] [weblogic-ht.net || pnpa.edu.ph]
If it moves, Compile it!
USE = "gentoo linux"
http://www.gentoo.org
"#emerge -C PGMA"
More information about the ubuntu-ph
mailing list