[Ubuntu-PH] bagong mungkahing sagisag para sa ubuntu-ph

GOvvin govvin at gmail.com
Sat Jun 24 14:02:56 UTC 2006


Kamusta?

Dahil sa posibleng paglabag ng nakaraang mungkahing disenyo sa trademark
policy ng Ubuntu, gumagawa muli ako ng bago.

Mga simbolismo sa mungkahing Sagisag ng Ubuntu Pilipinas.

Ang bahagi ng araw, bilang at kulay ng mga tala, ang mga talang bumubuo ng
tatsulok ay galing sa bandila ng Pilipinas. (Para sa karagdagang
impormasyon, minumungkahi ang pagbabalik aral tungkol sa simbolismo ng
bandilang Pilipinas <http://www.crwflags.com/fotw/flags/ph-hist.html>.)

Ang tatlong sinag ng araw na nag-palit anyo bilang mga agila (ibon, kung "di
man ito mukhang agila pa), ay pagpapahayag ng mithiing i-angat ang sarili,
at kasama nito, ang pag-angat din komunidad/bayan.

Bakit agila? Ang pambasang ibon natin ay agila. Tinatawag din nating itong
haribon. (Kaya may parang korona ang depiksyon ng agila sa sa sagisag)

Ang bukas na disenyo ng araw at ang mga bituin sa loob nito ay paalala sa
open-source

Ang bilang na tatlo (ng mga agila) ay galing sa tatlong pigura ng tao sa
sagisag ng Ubuntu. Ang mga kulay ng mga ito ay mga opisyal na kulay na hango
sa opisyal na sagisag din ng Ubuntu.

Sa sagisag na ito, nais ko sanang mai-larawan ang Ubuntu (ang pilosopiyang
ito at ang software ding may katulad na pangalan nito) at ang potensyal
nitong maging paraan upang maabot ang pagiging timawa ng mga Pilipino at ng
Pilipinas.

----

Bakit ko ba ginagawa ito? Tinatanong ba ninyo ang tao kung bakit kumakamot
kung may makati?

Kung aayon ang mga namumuno sa Ubuntu-PH, ang pinal na disenyo ng sagisag na
ito ay ibabahagi ko sa kanila sa ilallim ng lisensyang Creative Commons
Attribution-NonCommercial-NoDerivs. (Basahin ang kabuuang teksto nito
dito<http://creativecommons.org/licenses/by-nc-nd/2.5/>
)

Mabuhay kayo,

Sumasainyo,
Erwin
-------------- next part --------------
An HTML attachment was scrubbed...
URL: <https://lists.ubuntu.com/archives/ubuntu-ph/attachments/20060624/6c1e1609/attachment.html>
-------------- next part --------------
A non-text attachment was scrubbed...
Name: PH-Ubuntu-9b.png
Type: image/png
Size: 27569 bytes
Desc: not available
URL: <https://lists.ubuntu.com/archives/ubuntu-ph/attachments/20060624/6c1e1609/attachment.png>


More information about the ubuntu-ph mailing list