[Ubuntu-PH] request for comments

Ian Dexter R. Marquez iandexter at gmail.com
Thu Jun 22 14:11:57 UTC 2006


On 6/22/06, Ealden Esto E. Escañan <ealden at gmail.com> wrote:
> On 6/21/06, Ealden Esto E. Escañan <ealden at gmail.com> wrote:
> >
> > Mayroong mga ibang LoCo Teams[1] na gumawa ng kanilang sariling mga
> > logos.  Makikipagugnayan muna ako sa kanila tungkol dito.
> >
>
> For reference, we had a somewhat similiar discussion last night[1] on
> #ubuntu-locoteams.  I think it's best if we follow the lead of
> Ubuntu-AU[2] and Ubuntu-CA[3].
>
> [1] http://netz.smurf.noris.de/logs/freenode/2006/06/21/%23ubuntu-locoteams.log
> (yes yes it looks like sabog ako kagabi heh)
> [2] http://ubuntu-au.org
> [3] http://ubuntu-ca.org

Heh. Mukha nga medyo groggy ka. :D

Anyway: binasa ko ulit mabuti yung Trademark Policy. Ayon dito, ang
patakaran ay para sa paggamit ng logo at iba pang panandang-marka ng
Ubuntu at Canonical. Paglilinaw lang, marahil:

<quote>
It is important to maintain the visual integrity of the _Ubuntu logo_.
 (emphasis mine) [0]
</quote>

Sa gawa ni Erwin, kinuha nya ang batayang hugis ng Ubuntu logo at
kinulayan nang iba sa mga opisyal na kulay ng Ubuntu. Malinaw na
taliwas iyon sa patakaran.

Kung titingnan naman natin ang gawa ni Yann2 [1], ayon sa pag-uusap ng
LoCoTeams [2], malinaw rin na ginamit nya ang typeface ng Ubuntu at
lumalabas na bahagi ito ng logo.

Iba naman ang 'treatment' ng Australia at Canada (pati na ang France)
-- ginamit ang mga opisyal na kulay ng Ubuntu, ngunit iba ang hugis ng
mga logo at lumabas na 'distinct' ito, habang napanatili ang biswal na
pagkakakilanlan ('identity'? heh) ng Ubuntu. Matamang tingnan natin
ito, pati na ang 'treatment' ng ibang mga LoCo, bilang sanggunian sa
pagdidisenyo ng logong akma sa LoCo ng Ubuntu Pilipinas.

'Yun lang siguro, Erwin: tingnan mo ito bilang mabuting pagpuna sa
gawa mo upang mapaganda at maiayos pa. Bihira ang may kakayanan na
lumikha ng mga 'corporate identity' na sumasalamin sa kultura ng
bansa. (Naranasan ko na rin 'yan: ang makipagbuno sa maraming tao para
mailatag ang 'identity' o imahen ng isang partikular na grupo. Mahirap
at madugo. :))

Ipagpatuloy mo!

[0] Logo Standards. http://www.ubuntu.com/ubuntu/TrademarkPolicy/
[1] http://test.ogcreation.com/ubuntu-eu/planche1.png
[2] http://netz.smurf.noris.de/logs/freenode/2006/06/21/%23ubuntu-locoteams.log
-- 
Ian Dexter R. Marquez
http://iandexter.tambay.org




More information about the ubuntu-ph mailing list