[Ubuntu-PH] request for comments

Jerome Gotangco jgotangco at ubuntu.com
Mon Jul 17 17:31:17 UTC 2006


Binubuhay ko ang diskusyon tungkol dito dahil naayos ko na ang website
para sa ating gamit. Ito ay umaandar sa Drupal. Ang itsura sa
kasalukuyan ay kinuha ko mula sa ubuntu-au.org na website kaya meron
pa din logo ng nasabing pangkat.

Ang website (hindi pa ito tapos) ay nasa http://www.ubuntu-ph.org/drupalcms

Kung mayroong nais tumulong sa pagtaguyod ng website ay makipag-alam
lamang sa akin o kaya ay pumunta sa IRC si channel. Sa ngayon ako at
si Zak Elep ang may kapangyarihan sa drupal na portal at sa server
mismo ay ako ang maaring kausapin.

Salamat!

Jerome

On 6/23/06, Erwin Olario <erwin at s-qubd.com> wrote:
> Maraming salamat sa lahat.
>
> Hindi ko ipipilit ang nakarang disenyong inihain ko. Hindi  ito tama dahil
> nga sa paglabas sa pag-gamit ng logong ito ng Canonical. Ang pagpilit nito
> ay  hindi rin ayon sa pilosopiyang Ubuntu.
>
> Eniwey, naka-dikit ang bagong disenyo sa email na ito.
>
>
> Pangkalahatang simbolismo.
>  Pag-lipad ng Timawang Pilpinas at mga Pilpino sa pamamagitan ng
> (pilosopiyang) Ubuntu.
>
> Iba pang simbolismo
> Mga Agila (naaninag ba  ninyong Agila agila yun?) - Kalayaan. Agila rin ang
> pambasang ibon ng Pilpinas na nagpapahiwatig karangalan o kadakilaan.
>
>  Yung mala-sungay na disensyo sa ulo ay para sa distinctive crown at crest
> ng Philippine Eagle
>
> Paglipad ng mga Agila(?)  - Pag-angat ng Pilipinas mula sa kalagayang
> kinasasadlakan nito.
>
> Mga Kulay ng Agila - mula sa mga opisyal na kulay ng Ubuntu logo.
>
> Magkakadikit na agila -
> Kolaborasyon/Kooperasyon/Pag-tutulungan.
>
> Mga espasyo sa pagitan ng mga sinag ng mga araw, sa pagitan ng mga bituin -
> bukas sa pagbabago. opensource software?
>
> Bituin, Araw at mga kulay nito - galing sa bandila ng Pilipinas.
>
>
> Timawa - tawag sa mga sinaunang Pilipino na hindi alipin .
>  - sa Ingles, Freeman.
>
> Ito ang bago kong rendisyon ng logo. Nais ko sanang muling marining ang
> inyong mga komento.
>
> Tulad ng dati, kung sinoman ang unang mag-komento na isasama ko pinal na
> disenyo ay bibigyan ko ng sticker nito. :)
>
> Pinagiisipan ko din na alisin ang salitang "Linux" upang bigyan diin ang
> salitang Ubuntu bilang Pilosipiya, at hindi isang marka ng software. Imbis
> na Ubuntu Linux, ilagay na Ubuntu Pilipinas na lamang.
>
> Mabuhay!
>

-- 
Jerome Gotangco
jgotangco at ubuntu.com
Mobile: +639196555242
Jabber: jgotangco at jabber.org
GPG: 0x9E379FC6




More information about the ubuntu-ph mailing list