[Ubuntu-PH] Re: newbie pow

Radamanthus Batnag radamanthus at gmail.com
Mon Oct 10 07:46:59 UTC 2005


Konting paglilinaw lang. Pag pinaguusapan ang salita ng mga Pinoy
palaging nalilito sa Tagalog at Filipino. Ang Tagalog ay ang salita ng
mga taga-Bulacan, Metro Manila, Rizal, Batangas, Cavite, Laguna,
Quezon, Aurora. Ang Filipino ay ang pambansang salita ng Pilipinas na
*halaw ang malaking bahagi* sa Tagalog. Yung "Tagalog" na
naiintindihan ng yaya ng anak ko, na lumaki sa Zamboanga, hindi
Tagalog yun. Filipino yun. Yun ang inaral niya sa iskuwela sa subject
na Filipino.

(Yung mga Cebuano at Ilokano na magrereklamo na bakit sa Tagalog
hinalaw ang Filipino at bakit di sa Cebuano o sa Ilokano - heto ang
sagot ko: [1] Ibang debate yan [2] Wala namang pumipigil sa yo na
Filipino na maraming salitang halaw sa Cebuano. Yung salitang "bay"
gamit na rin yun dito sa Metro Manila at bahagi na yun ng Filipino.
Kung gusto mong maging mas maka-Cebuano ang Filipino - gamitin mo at
payabungin ang mga salitang gusto mong masali sa Filipino. Kung yung
mga bading nakakapagpalawak ng gamit ng mga bagong salita, kayo pa
kayang mga Cebuano na mas madami [3] Panahon pa ni Quezon
pinagdedebatihan yan pwede ba umusad na lang tayo sa pagpapayabong ng
Filipino).

Dagdag pa sa Filipino - ang malawak na depinisyon ng Filipino ay "kung
ano ang lingua franca sa Metro Manila at sa buong bansa". Yung
pangungusap na "Ang labo mo, bro." Filipino ang tamang tawag dun hindi
Taglish. Kasi nga ang Filipino ay kung ano ang ginagamit nating mga
Pinoy na salita. Yung bro, kid, pre, chaka, eklat, pogi points -
kasama yan sa bokabularyong Filipino - yun ang gamit natin, eh.

Ngayong malinaw na kung ano ang Filipino - mas madali na pagusapan ang
trabaho ng paggawa ng local translation ng Ubuntu. Sa anong wika natin
isasalin ang Ubuntu? Syempre sa Filipino - yun ang gamit ng
pinakamarami eh. Hit the most number of birds with one stone.

Isa pang mahalagang tanong - bakit pa tayo magaabala? Sanay naman tayo
sa paggamit ng English sa computer at sa cellphone. Pinakamaganda
sagutin yan sa pamamagitan ng paglalarawan.

Basahin mo ito:

Sometimes I just can't get anything done.

Sure, I come into the office, putter around, check my email every ten
seconds, read the web, even do a few brainless tasks like paying the
American Express bill. But getting back into the flow of writing code
just doesn't happen.
(buong artikulo: http://www.joelonsoftware.com/articles/fog0000000339.html)

At basahin mo ito:
Minsan, wala talaga akong matapos-tapos na trabaho.

Oo nga, papasok ako ng opisina, kakalat-kalat, nagche-check ng email
bawat sampung segundo, nagbabasa sa web, o kaya gumagawa ng kahit ano
tulad ng pagbabayad ng American Express na bill. Pero, ang pagbabalik
at magaganahan ulit sa pagco-code ay parang ayaw mangyari.
(buong artikulo: http://filipino.joelonsoftware.com/Articles/FireAndMotion.html)

Ang sarap basahin nung Filipino version di ba?

Tingin ko nga, baka walang saysay na isalin natin ang mga menu items
ng Ubuntu sa Filipino. Baka ang mas magandang gawin, ang mas magandang
unang isalin, ay iyong mga README at HOWTO.

rad

PS. Pasensya na sa paglelecture tungkol sa Filipino. Trabaho ng nanay
ko yan. 30 years siyang nagtrabaho sa Komisyon sa Wikang Filipino.

On 10/10/05, Charles Yao <ccyao at greenleecp.com> wrote:
> My only concern is that pure tagalog or any dialect in the philippines
> is practically dead. Wala nang Tagalog talaga Taglish na lang, which I
> find is very common in most SEA countries. Secondly, the Philippines
> unlike countries like Japan and the US, has many dialects making it
> difficult for people to communicate. So my only concern is that it may
> only make it harder for people to communicate if they all use different
> dialects or if there are too many versions going around.
>
> Charles
>
>
>
>
> On Mon, 2005-10-10 at 11:49 +0800, Edu Timbol, Jr. wrote:
> > Sa text kase tagalag, chaka yung local dialect. At least for this part
> > of Luzon. Kung online, madalas ginagamit ko eh English para maging
> > neutral. Pero kung nasa Kapampangan chat ako, dialect gamit ko. Kasama
> > kasi sa goals ng Ubuntu na "that software tools should be usable by
> > people in their local language and despite any disabilities" para
> > naman kahit hindi ka dumaan sa formal schooling at english instruction
> > makagamit ka ng computer. Technology has the power to set people free,
> > even from the bondage of ignorance and poverty, if used properly.
> > Magandang halimbawa kunwari ang Edubuntu (http://www.edubuntu.org/) o
> > ang Skubuntu sa South Africa (http://www.skubuntu.org.za/).
> >
> > Just my 2 cents...
> >
> > --
> > "Coffee is evil...a necessary evil."-
> >
> > Daysleeper Ed
> > Registered Linux User # 398135
> >
> > On 10/10/05, Charles Yao <ccyao at greenleecp.com> wrote:
> > > Just curious about the localization. How many people actually use their
> > > pcs or cellphones in tagalog?
> > > I noticed that everyone here in the Philippines uses English when they
> > > use their phones or pcs.
> > >
> > > Charles
> > >
> > > On Mon, 2005-10-10 at 11:20 +0800, Jerome Gotangco wrote:
> > > > It's actually up in the air with the main thrust of the group. We're
> > > > very much loose at the moment, hope it changes in the coming meets.
> > > > Localization is one of the most obvious but let's not limit ourselves
> > > > =)
> > > >
> > > > Jerome Gotangco
> > > > jgotangco at ubuntu.com | jgotangco at gmail.com
> > > > GPG: 0xA97B69A0
> > > >
> > > --
> > > Regards,
> > >
> > > Charles C. Yao
> > > Vice-President -Sales
> > > 2144 Pedro Gil St.
> > > Sta. Ana, Manila
> > > Philippines 1009
> > > Tel: +63 2 5641996-98
> > > Fax: +63 2 5631314
> > > email: ccyao at greenleecp.com
> > > web: www.greenleecp.com
> > >
> > >
> > > --
> > > ubuntu-ph mailing list
> > > ubuntu-ph at lists.ubuntu.com
> > > http://lists.ubuntu.com/mailman/listinfo/ubuntu-ph
> > >
> >
> --
> Regards,
>
> Charles C. Yao
> Vice-President -Sales
> 2144 Pedro Gil St.
> Sta. Ana, Manila
> Philippines 1009
> Tel: +63 2 5641996-98
> Fax: +63 2 5631314
> email: ccyao at greenleecp.com
> web: www.greenleecp.com
>
>
> --
> ubuntu-ph mailing list
> ubuntu-ph at lists.ubuntu.com
> http://lists.ubuntu.com/mailman/listinfo/ubuntu-ph
>




More information about the ubuntu-ph mailing list