[Ubuntu-PH] Next Meeting is Tomorrow, Nov 2 20:00 PHT at #ubuntu-ph at irc.freenode.net

Ealden Esto E. Escañan ealden at gmail.com
Tue Nov 1 06:22:13 UTC 2005


Oist! hehe,

Nais ko pong ipaalala sa inyong lahat na bukas na ang ating susunod na
meeting[1] para sa Ubuntu Team Philippines.  Paguusapan natin ang
SiteGoals[1] na hindi napagusapan noong unang meeting[3].

Nahahati sa limang bahagi ang SiteGoals na sana ay madaanan natin
bukas.  Ang mga bahagi na ito ay: (1) Goals, (2) Status, (3) Look and
Feel, (4) Services/Features, at (5) Implementation Plan

Sinasaad ng "Goals" kung ano ang gusto nating makamit ng ating
website.  Tulad ito ng TeamGoals na napagusapan noong huling meeting.

Ang nilalaman ng "Goals" ngayon ay:
- Serve as an online presence for the Ubuntu Team Philippines
- Serve as a tool for collaborating activities of the Ubuntu Team Philippines
- Serve as a mirror of Ubuntu.com, translated to one or more
Philippines languages

Sa "Look and Feel" naman, mayroon tayong dalawang "approach" na
maaaring gawin.  Maari nating (1) gawing kamukha ng Ubuntu.com and
Ubuntu-PH.org, o (2) gumawa ng bagong "Look and Feel" para sa
Ubuntu-PH.org.  Mayroong ikatatlong "approach" na nailagay sa
SiteGoals, at maaari pa kayong magbigay ng inyong naiisip para rito.

Sa "Services/Features" naman, mayroong ilang mga bagay na maaari
nating ilagay sa ating website upang dagdagan ang Wiki na nakalagay
dito.  Ang ilang naisip ay: main site, planet, blog, email forwarders,
people, {arch,cvs,svn} repos, at forums.

Nais din sanang matapos ito bago matapos ang taong 2005.

Bukas ang meeting na ito sa lahat ng gustong makilahok sa paghugis ng
Team Philippines.  Sana, makapunta ang mga nasa Team Philippines page
sa LaunchPad[4].  Namimiss na namin kayo ;).

Hayun lamang po.  Kung mayroon kayong gustong ibahagi, pakireply na
lamang po dito sa aking email.

Salamat!

[1] http://ubuntu-ph.org/Wiki/NextMeeting
[2] http://ubuntu-ph.org/Wiki/SiteGoals
[3] http://ubuntu-ph.org/Wiki/MeetingMinutes1
[4] https://launchpad.net/people/loco-philippine-team

--
Ealden Esto E. Escañan
ealden at gmail.com




More information about the ubuntu-ph mailing list